To Love Some Buddy (2018) 🥢


  ✧・゚: *✧・゚:*✧・゚: *✧・゚:*✧・゚: *✧・゚:*✧・゚: *✧・゚:*✧・゚: *✧・゚:*


Can best friends really turn into lovers?           

     I am going through it right now kaya nanuod na lang ako ng nakita kong clip sa facebook. Nakita ko kase yung clip ni Maja Salvador and Zanjoe Marudo wherein may monologue si Zanjoe about sa pag babago ng relasyon nila ni Maja. Ang main point niya is nawala na yung sweetness and puro na lang nagging si Maja sa relasyon. Since wala naman ako magawa, edi pinanuod ko nasa youtube pinost sakto ng abs cbn sa page nila.

    Nakuha ko ang sagot of course kung bakit ganon si Faith (Maja) . Mag best friend pala sila nung una turned lovers. Si Julius (Zanjoe) ang nag propose na maging mag jowa na lang sila (which ayaw ni faith nung una) kase sila lang nag kakaintindihan sa buhay. Faith was the only person who listens to him ng walang judgement, walang kapalit and walang expectations. edi na inlove si Julius. little did he know a relationship is more than being there for each other.

    Nag karon ng turning point sa relasyon nila as any other relationship do. Syempre lagi naman masaya sa una, natutuwa si Julius sa set up nila na para lang sila mag tropa pero nasa relationship. Ang nangyari umamin na si Faith sa magulang niya na boyfriend niya na si Julius. did I mention na sobrang taas ng standards ng parents niya? this part I can definitely relate to faith. pero buti naman di naman sila kontrabida na pinigilan. ganda pa nga ng ginawa nila sinabi nila kay faith na kung mahal mo talaga ipush mo na lang maging better siya for the both of you. (see attached pic ng quote about sa pinupush nila baguhin ni faith si julius) 

    

    Ever since this happened, nag bago na totally si Faith. Lagi na siya nag Na-nag. WHICH ETO HA IN MY OPINION VALID NAMAN PAG NAG NIYA. lagi niya pinapansin kalat ni Julius which again valid kase mag kasama sila sa bahay, lagi niya kinukulit si Julius na tapusin deadlines niya sa composed songs niya, pinupush niya si Julius na mag produce ng jingles kase yun ata yung mas malaki pera kesa sa pag cocompose na wala naman siya napapala. so basically Julius got fed up. then may isang moment siya na nakausap niya yung previous gf niya from college na nag rarant siya na di naman daw ganun sila dati and eto yung isa sa mga pinaka fave ko na scene kase I thought kakampihan siya nung girl pero hindi. di naman siya galit pero like pinarealize lang niya. 


    The idea is, Julius still sees Faith as his best friend while Faith sees Julius as her lover.     

   Andami daming cases ng relasyon na bigla biglang nag babago yung feelings dahil lang nag bago na din yung expectations ng isa't isa. It usually goes like this and mostly yung lalaki talaga ang nag sasabi na dapat kase walang nag babago. Sa ligawan stage gets ko na naiinlove talaga satin mga lalaki kase syempre wala naman tayo pa dinedemand sakanila (not me tho una palang nagiging clear na ako sa expectations ko and demands ko sa manliligaw ko) but it's wrong na eexpect nila na wala nang ilelevel up yung relasyon. you should always enter a relationship knowing all the responsibilities that comes with it. 

                            Friendship and Love will never be enough to sustain a relationship.

    Entering a relationship with a certain image and idea of your partner will be your downfall. You will see so many different versions of your partner every single day. may mga araw na parang di mo na siya kilala, may mga araw na parang kilalalang kilala mo na siya, at mayrong mga araw na parang walang nag bago sainyo. You cannot force someone not to change just for your convenience. 


    Accepting that you are going into a relationship with the person you once loved and being in a relationship with the person you will learn how to love will never be easy.


    sabi nga nila "Loving someone is to attend a thousand funerals of the people they used to be". Hindi naman lahat ng tao stagnant. hindi naman lahat ng tao kayang maging stationary lang forever. Gusto natin lahat maging better, mag level up, one way another. not limiting the idea to monetary, wealth ganyan. kahit sa ugali may gusto din naman silang baguhin. you will never get the same love twice and that even applies to the person that you choose to be in a relationship with. 

    I do think that a big part of their fallout is due to Julius' pride/ ego / masculinity. Hindi ko nilalahat pero usually mga lalaki na ayaw sila ni na-nag ay alam nila deep inside na kaya naman nilang gawin, tamad lang sila. The relationship would have worked if Julius' pride weren't in the picture. kahit sa sarili niyang kapatid na si Jeremy (played by Donny Pangilinan) ayaw niyang napag uusapan ng mga barkada niya which shows na may insecurity / envy siya kay Jeremy. I guess a lot of people who know they're lacking doesn't want anymore people telling them what to do. kase alam naman nila dapat nila gawin ayaw lang nila. the problem with that is yung self frustration nila is nakakadamay ng iba. it's also not healthy long term. 

    YOU WILL NEVER GROW IF YOU KEEP STAYING IN THE COMFORT OF FAMILIARITY.





                                                    ~ THE CONFRONTATION SCENE ~

    "I think I've seen this one before and I didn't like the ending." is the first thought that came to my mind while watching this. I may or may not already experienced this conversation before. Surprisingly, I do feel empathy to Julius at some parts. I applaud him for at least trying once na i-save yung kilig nila and akala ko talaga mag chcheat siya that's why I was rolling my eyes sa moments na hinting na may tukso kay Julius but hey I'm glad they didn't go that route. I am sick of movies having the guys cheat just for them to have a confrontation scene and let all their feelings out lol. At least in this movie, the confrontation scene was out of a normal fight that every other couple goes through. I also appreciate Julius for being open about everything sa confrontation scene. Walang natirang unsaid words lahat apaw talaga. I guess we can agree na sometimes we become TOO nagging at some point. After a few years I just came up with the idea na dapat hanggang dalawang beses lang ako mag sasabi and pag di padin nag babago, that's on him. I didn't want to be that nagging girlfriend na pag nag kikita or nag kakausap eh puro reklamo na lang and tasks na dapat gawin ang conversation. That's why I have empathy to Julius in this part. It really does become draining when you're trying to figure out life yourself while having to deal with your girlfriend's concerns to you. Mahirap talaga pag artist. di mo mapipilit yung creativity or idea na mag manifest lang that's why people who have a more "logical" brain (opposite type ng ma creative lol) will never understand that working hard doesn't mean you will produce greater result. yes nangyayari sakanila yun kase dun sila magaling eh but when it comes to creativity, you will never know when it's coming.

    My heart goes to Faith on this one tho. Tagos yung line na "Hindi mo ba yun naisip na mag bago kahit konti?" I 100% felt that. I did find myself asking that same line to my boyfriend before. There will come to a point talaga na mag kaka resentment yung isa't isa if you're both not on the same page. Julius doesn't want to grow, Faith wants to move forward. Palagi naman ganto usually. Babae yung nag lelead and lalaki yung dalahin usually. I guess for men kase their maturity doesn’t come with age (altho sa babae din naman) pero yung in terms sa commitments, medyo hirap talaga sila. They're mostly stuck in the bachelor single era na carefree ganyan. For some reason ikakamatay nila kapag nakinig sila sa girlfriend nila which, hello bat pa kayo nag girlfriend ng someone you don't like to listen to in the first place. Men doesn't like to be nagged because they know their short comings. Ayaw nila ng sinasampal sakanila yung totoo. Although hindi naman lahat ganyan kase si Emman (my boyfriend ) hindi naman ganun. Pag pinagsabihan mo siya, susunod naman siya and mag aaggree if talagang totoo. If feel niya may mali sa sinabi ko or na misinterpret ko, sasabihin naman niya. Communicating with him is so easy. 

    "As your girlfriend, I want you to be better". Men will never understand this. sagot pa nga ni Julius ano para may maipag mayabang ka sa pamilya mo? they will never get it if they think shallow like this. Here's the thing, If we don't care about you and your overall well being, WE WON'T GIVE A FLYING FUCK about your future or kung ano pinag gagagawa mo in your everyday life. kung mag kalat ka jan sige ano bang pake namin, kung ayaw mo mag hanap ng trabaho sige bahala ka jan anong gagawin namin, kung ayaw mong maging better yung mga works mo edi sige bahala ka jan. they just don't get it. syempre girlfriend niyo kame we will always want you to thrive. gusto namin paparating ka sa best or better version of yourself. Ang rebut naman kase ni Julius eh "pinipilit mo kong mag bago" eh malamang?! ang hilig nila mang gaslight ng ganyan eh ang binabago mo lang naman is yung mga hindi naman dapat na ugali. Hindi naman yung buong pag katao mo maka sabi naman siya ng ganun. Ayaw niya lang mag bago ng ibang ugali niya kase takot siya sa responsibilities that it comes with it. Reality will hit you one way or another na hindi forever eh comfortable ka. Tapos sa huli nag break sila saka lang tinake seriously ni Julius yung mga kanta niya like bruh really?

                                People self sabotage a lot. that's why a lot of relationships fail. 


    "Wala namang masama sa pag compromise" one of my favorite lines in the movie. Although ang cliche and simple lang naman ng linya pero in context, yun lang naman yung point ng movie. There will come a time talaga in life wherein isasampal sayo na it's not all happy endings and happy vibes lang, kelangan mo rin mag hard work. In a world full of competitive people, you will never stand out if you keep pushing your ego and letting your pride work for you. May araw din naman na masusunod yung mga gusto mo but you need credibility first. Papano ka papaniwalaan ng tao na maganda mga kanta mo na very specific ang genre kung hindi ka muna mag hahakot ng credibility from other people and clients na you've worked with. Syempre sa paningin mo maganda eh gawa mo yan eh. Of course it will look the best if you're the one who made it but it doesn't mean it's a sellout. hindi ibig sabihin nun eh bebenta na siya. na ayan na mag papakain sayo. Use your passion to generate money yes pero you can twist it in different ways din naman. Hindi naman lahat ng tao gusto yung ginagawa nila. Even yung mga mahal trabaho nila may time din naman na may ilang araw na ayaw nila ng pinapagawa ng client or boss nila but they just pull through. This is the point of Jeremy sa sinabi niya sa compromise. Kase ilang years siya nag trabaho sa label nila before proposing the idea of ipapasok niya yung kanta ng kuya niya sa album niya. sabi niya na di makakatangi yung label kase one of the top selling artists siya and that wouldn’t happen kung di siya nag pakumbaba muna these past years and nag antay for the opportunity na mag karon na siya ng power to demand. This is exactly the attitude Julius is lacking. wala siyang diskarte. wala siyang pakumbaba. just like he is in the relationship. 


Comments

Popular Posts